Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mepaat

Mepaat

Isang lunsod na orihinal na nakaatas sa mga Rubenita ngunit nang maglaon ay ipinagkaloob sa mga Meraritang Levita. (Jos 13:15, 18; 21:34, 36, 37; 1Cr 6:77-79) Noong mga araw ni Jeremias, pagkaraan ng mga walong siglo, ang Mepaat ay nasa ilalim ng kontrol ng mga Moabita. (Jer 48:21, 24) Ipinapalagay na ito ay ang Tell Jawa, na mga 11 km (7 mi) sa T ng ʽAmman (Raba). Maaaring napanatili sa kalapit na Khirbet Nefaʽa (o, Qureiyat Nafiʽ) ang sinaunang pangalan na ito.