Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Meraiot

Meraiot

[posible, Mga Mapaghimagsik].

1. Isang makasaserdoteng inapo ni Aaron sa pamamagitan ni Eleazar; tinatawag na “anak ni Zerahias.”​—1Cr 6:3-7, 52; Ezr 7:3, 4.

2. Isang saserdote na kinikilala bilang “anak ni Ahitub, isang lider sa bahay ng tunay na Diyos” at lumilitaw na ama ni Zadok.​—1Cr 9:10, 11; Ne 11:11.

3. Pinagmulan ng isang makasaserdoteng sambahayan sa panig ng ama, na ang ulo ay si Helkai noong mga araw ni Joiakim. (Ne 12:12, 15) Ang “Meraiot,” na pangalan ng sambahayang ito kasunod ng pagbabalik ng mga Judio mula sa pagkatapon sa Babilonya, ay maaaring ibang anyo ng “Meremot,” ang pangalan ng isa sa mga saserdote na sumama kay Zerubabel patungong Jerusalem noong 537 B.C.E.​—Ne 12:1, 3.