Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Merari

Merari

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “maging mapait”].

Anak ni Levi at kapatid nina Gerson (Gersom) at Kohat. (Gen 46:11; 1Cr 6:1, 16) Yamang si Merari ay binabanggit na pangatlo sa mga anak ni Levi, maaaring siya ang pinakabata. Isa siya sa 70 miyembro ng sambahayan ni Jacob “na pumaroon sa Ehipto.” (Gen 46:8, 11, 26, 27) Si Merari ay nagkaroon ng dalawang anak, sina Mahali at Musi (Exo 6:19; 1Cr 6:19), at pinagmulan ng mga Merarita, isa sa tatlong pangunahing Levitang pamilya.​—Bil 26:57.