Merib-baal
[posible, Nakikipaglaban kay Baal; o, Si Baal ay Gumagawa ng Legal na Pagtatanggol].
Apo ni Haring Saul, anak ni Jonatan, at ama ni Mikas. (1Cr 8:33, 34) Lumilitaw na ito ay isa pang pangalan ni Mepiboset. Ang ibang mga tao noon ay mayroon ding dalawang pangalan, gaya ni Esbaal, na tinawag ding Is-boset.—Ihambing ang 2Sa 2:8 sa 1Cr 8:33.
Ang pangalang Merib-baal ay masusumpungan sa dalawang waring magkaibang anyong Hebreo (Merivʹ baʹʽal at Meri-vaʹʽal) sa 1 Cronica 9:40. Ang unang anyo ay ginamit din sa 1 Cronica 8:34. Ang nagpapahiwatig na iisa ang tinutukoy ay ang bagay na si Mepiboset ay may isang anak na lalaki na nagngangalang Mica at si Merib-baal ay may isang anak na nagngangalang Mikas. (Ihambing ang 2Sa 9:12 sa 1Cr 9:40.) Nagkaroon ng mga anyong “Mica” at “Mikas” dahil lamang sa isang maliit na pagkakaiba sa baybay ng mga pangalang ito sa Hebreo.