Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Meroz

Meroz

Isang lugar na isinumpa ng isang anghel dahil sa hindi nito pagparoon “upang tumulong kay Jehova.” (Huk 5:23) Maaaring hindi tinulungan ng mga naninirahan sa Meroz ang kumandanteng itinalaga ni Jehova na si Barak sa aktuwal na pakikipaglaban nito sa mga Canaanita na pinamumunuan ni Sisera. (Huk 5:5-16) O, kung ang Meroz ay nasa rutang dinaanan ng natalo at tumakas na si Sisera, marahil ay hindi siya pinigilan ng mga naninirahan dito. (Huk 4:17) Waring pinatutunayan ito ng sumunod na iniulat ng Bibliya na lakas-loob na pagpatay ni Jael kay Sisera. (Huk 5:24-27) Posibleng ang anghel na bumigkas ng sumpa ay nakipaglaban para sa Israel.

Hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon ng Meroz, bagaman ipinapalagay ng ilan na ito ay nasa Khirbet Marus, na mga 8 km (5 mi) sa T ng Kedes sa Neptali.