Metal
Sa mahigit na 100 elemento na kilala ng tao, mahigit sa 75 porsiyento ay metal. Ang ginto, pilak, tanso, bakal, at tingga ay espesipikong binabanggit sa Kasulatan. Ang unang mga pagtukoy ng Bibliya sa mga metal ay nasa Genesis 2:11 at 4:22.
Hinggil sa pisikal na mga katangian ng mga metal, ang mga ito ay di-napaglalagusan ng liwanag, natutunaw sa init, at napipitpit; ang mga ito ay may metalikong kinang at kadalasan ay mahuhusay na daluyan ng init at kuryente. Ang mga metal ay may kemikal at pisikal na mga katangiang pagkakakilanlan. Para sa espesipikong impormasyon at mga paglitaw sa Kasulatan, tingnan ang nabanggit na mga metal sa ilalim ng kani-kanilang pangalan; gayundin ang artikulong PAGDADALISAY, TAGAPAGDALISAY.