Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

FEATURE

Mga Kahariang Nakapalibot sa Israel

Mga Kahariang Nakapalibot sa Israel

SAMANTALANG tumatahan sa kanilang bigay-Diyos na lupain, nasumpungan ng bansang Israel na napalilibutan sila ng mga bansang sumasamba sa huwad na mga diyos. Lumabas ang mga Israelita mula sa Ehipto, kung saan ang mga hayop ay ginagawang diyos. Nasa dakong silangan at timog-silangan nila ang Ammon, Moab, at Edom​—malalayong kamag-anak ng mga Israelita ngunit mga mananamba sa idolo. Ang politeistikong mga Filisteo ay naninirahan sa baybaying kapatagan sa dakong kanluran. Nasa hilaga ng Israel sa kahabaan ng baybayin ang mga taga-Fenicia, na sa kanilang mga relihiyosong gawain ay kabilang ang sodomiya, bestiyalidad, at paghahain ng mga anak. At tampok sa relihiyon ng mga Siryano ang hubad na wangis ng mga diyosa na ang mga posisyon ay nagpapatingkad sa kanilang seksuwalidad. Upang patuloy na maging kaayaaya kay Jehova, ang Israel ay kailangang manatiling hiwalay sa mga bansang nasa palibot nila.

Bilang pag-iingat sa Israel, ibinigay ni Jehova sa kanila ang Kautusang Mosaiko, na naging isang ‘pader na naghihiwalay’ upang ibukod sila mula sa nakapalibot na mga bansa. (Efe 2:14) Hindi sila dapat makipag-alyansa sa gayong mga bansa, makipag-asawa sa kanila, o tumulad sa kanilang mga relihiyosong gawain. (2Cr 16:7; 2Ha 17:13-15) Hangga’t sinusunod ng Israel ang mga kautusang ito, nanatili silang isang banal na bayan.

Gayunman, ang mga indibiduwal mula sa nakapalibot na mga bansa ay hindi pinagbawalang sumamba sa tunay na Diyos. Maaari nilang iwan ang kanilang idolatrosong gawain at maging mga mananamba ni Jehova. “Ang Diyos ay hindi nagtatangi.” (Gaw 10:34) Samantalang iniingatan niyang nakahiwalay ang Israel, isinasagawa naman ni Jehova ang kaniyang layunin para sa panghinaharap na pagpapala sa mga tao ng lahat ng mga bansa.​—Gen 22:18.

MAPA: Mga Kahariang Nakapalibot sa Israel

Ang mga Moabita ay nanirahan sa baku-bakong teritoryo sa silangan ng Dagat na Patay

Sa Batong Moabita, ipinaghahambog ni Haring Mesa ang kaniyang diyos na si Kemos at winawalang-galang si Jehova

Si Anubis, ang Ehipsiyong diyos na may ulo ng chakal, habang inihahanda nito ang isang momya. Kabilang sa mga diyos ng Ehipto ang hamak na mga tao, mga ibon, at mga hayop

Ang mga taga-Fenicia, na nanirahan sa lupaing ito sa silangang baybayin ng Mediteraneo, ay sumamba sa mga diyos gaya ng isa na ipinakikita rito na nakatuntong sa isang leon