Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

FEATURE

Mga Paglalakbay ni Abraham

Mga Paglalakbay ni Abraham

DAPAT tayong maging lubhang interesado ngayon sa buhay ni Abraham. Bakit? Sapagkat sa kaniya sinabi ni Jehova: “Tiyak na pagpapalain ng lahat ng pamilya sa lupa ang kanilang sarili sa pamamagitan mo.” Gayunpaman, upang makamit ni Abraham ang gayong papel sa layunin ng Diyos, kailangan niyang patunayan na siya ay isang taong may pananampalataya at masunurin sa Diyos.​—Gen 12:1-3; Gaw 7:2, 3.

Kinailangan niyang iwanan ang kaniyang tahanan at mga kamag-anak sa maunlad na Ur, anupat hindi na siya kailanman babalik doon. Naglakad siya at gumamit ng sinaunang mga transportasyon nang maglakbay siya nang mga 960 km (600 mi) patungong Haran. Noong Nisan 14, 1943 B.C.E., tinawid niya ang Ilog Eufrates at naglakbay patungong timog. Sa wakas ay nakarating siya sa pinakasentro ng Canaan matapos maglakbay nang may kabuuang mga 1,650 km (1,025 mi).

Nang dumating ang takdang panahon ni Jehova, sa gitna ng mga inapo ni Abraham, pinangyari ng Diyos na ang kaniyang sariling Anak mula sa langit, si Jesus, ay maipanganak bilang tao. Sa pamamagitan ni Jesus, naging posible ang pagtatamo natin ng pagpapalang buhay na walang hanggan.

MAPA: Abraham

Ang Ilog Eufrates. Malamang na tinawid ni Abraham ang ilog sa dakong timog nito malapit sa Carkemis

Mataas na Galilea; ang lupain na nakita ni Abraham nang maglakbay siya nang patimog patungong Sikem

Ang Bundok Gerizim (kaliwa) at Bundok Ebal (kanan) sa magkabilang panig ng Sikem. Sa libis na ito ipinangako ni Jehova kay Abraham: “Sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lupaing ito” (Gen 12:6, 7)

Ang Hebron gaya ng makikita sa ngayon. Malapit dito ang dakong pinagtayuan ni Abraham ng isang altar para sa pagsamba kay Jehova (Gen 13:18)