FEATURE
Mga Pangyayari Bago ang Kamatayan ni Kristo
ANG mga pangyayari bago ang kamatayan ni Jesus ay naganap sa loob at sa palibot ng Jerusalem. Dito, ang Anak ng Diyos ay iniharap sa bansa bilang ang Hari nito. Habang papalapit siya sa lunsod, isang karamihan ng mga alagad ang sumigaw: “Pinagpala ang Isa na dumarating bilang Hari sa pangalan ni Jehova!” (Luc 19:37, 38) Ngunit itinakwil siya ng mga lider ng relihiyon ng bansa at may-kabulaanan siyang pinaratangan na inuudyukan niyang maghimagsik ang taong-bayan. Nang ang Romanong gobernador na si Poncio Pilato ay tuwirang magtanong kay Jesus kung siya ba ay isang hari, sumagot si Jesus: “Ang kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.” (Larawan sa ibaba) Nang iharap mismo ni Pilato si Jesus sa mga Judio, na sinasabi: “Tingnan ninyo! Ang inyong hari!” ang mga punong saserdote ay sumagot: “Wala kaming hari kundi si Cesar.”—Ju 18:33-38; 19:14, 15.