Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

FEATURE

Mga Pangyayari sa Buhay ni Jacob

Mga Pangyayari sa Buhay ni Jacob

NILINGAP ng Diyos si Jacob sapagkat nagpakita siya ng masidhing pagpapahalaga sa mga bagay na sagrado. (Heb 12:16, 17) Tiniyak ni Jehova kay Jacob na mamanahin ng kaniyang supling ang lupaing ipinangako kay Abraham, at sinabi pa Niya: “Sa pamamagitan ng iyong binhi ay tiyak na pagpapalain ng lahat ng pamilya sa lupa ang kanilang sarili.”​—Gen 28:4, 10-15.

Bagaman pinagpala siya ng materyal na kayamanan at 12 anak na lalaki, dumanas din si Jacob ng mga kapighatian sa buhay. Ngunit hindi siya kailanman nawalan ng pananampalataya kay Jehova at sa Kaniyang salita. Kahit noong mamamatay na siya, nagpahayag siya ng pananampalataya sa Mesiyanikong pangako. (Gen 49:10) Mula sa mga supling ni Jacob ay isinilang si Jesu-Kristo, na sa pamamagitan niya ay pagpapalain ng Diyos ang sangkatauhan nang walang hanggan.

MAPA: Jacob

Mga guho ng sinaunang Sikem. Dito, ang pakikisama ng anak na babae ni Jacob sa mga babaing Canaanita ay humantong sa panghahalay sa kaniya (Gen 34:1, 2)

Beitin, malapit sa mga guho ng sinaunang Bethel. Sa Bethel, makalawang ulit na sinabi ng Diyos kay Jacob na siya ang magiging tagapagmana ng tipang Abrahamiko (Gen 28:13-19; 35:6-13)

Step Pyramid sa Saqqara, Ehipto; maliwanag na umiiral na ito noong mga araw ni Jacob. Ginugol ni Jacob sa Ehipto ang huling 17 taon ng kaniyang buhay