Mibhar
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “pumili”].
Anak ni Hagri; isa sa makapangyarihang mga lalaki ng mga hukbong militar ni David. (1Cr 11:26, 38) Ipinapalagay ng ilan na ang 1 Cronica 11:38 ay hindi katugma ng katulad na talaan sa 2 Samuel 23:36, kung saan ang binabanggit ay si Bani na Gadita sa halip na si Mibhar. Sinasabi nila na ang Mibhar ay resulta ng isang pagbago sa Hebreong “mula sa Zoba” at na ang huling mga salita ng 1 Cronica 11:38 naman ay resulta ng pag-unawa sa ba·niʹ hag·ga·dhiʹ (Bani na Gadita) bilang ben-hagh·riʹ (anak ni Hagri). Ito ay nananatiling pala-palagay lamang.