Mica
[pinaikling anyo ng Miguel o Micaias].
Ang mga pangalang Ingles na Mica at Micah ay resulta ng maliit na pagkakaiba ng baybay sa Hebreo.
1. Anak ni Mepiboset (Merib-baal) at apo ng anak ni Haring Saul na si Jonatan. Si Mica (tinawag ding Mikas) ay ama nina Piton, Melec, Tarea (Tahrea), at Ahaz.—2Sa 9:12; 1Cr 8:33-35; 9:39-41.
2. Isa sa mga Levita (o ang ninuno ng isang Levita) na nagpatotoo sa pamamagitan ng tatak sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” noong panahon ni Nehemias.—Ne 9:38; 10:1, 9, 11.
3. Isang Levitang inapo ni Asap at anak ni Zicri (kilala rin bilang Zabdi at Zacur). Si Mica ay ama ni Matanias at tinatawag ding Mikas at Micaias.—1Cr 9:14, 15; Ne 11:17, 22; 12:35.