Migdol
[Tore].
1. Isang dako sa Ehipto na ginamit upang matukoy ang lokasyon ng huling kampamento ng Israel sa Pihahirot bago tumawid sa Dagat na Pula. Magkakampo sila “sa harap ng Pihahirot sa pagitan ng Exo 14:2; Bil 33:5-8) Karaniwan nang pinaniniwalaan ng mga iskolar na ang Migdol ay malamang na Ehipsiyong pagbigkas para sa Hebreong migh·dalʹ, nangangahulugang “tore,” at na walang alinlangang tumutukoy ito sa isang himpilan ng militar o bantayan sa hanggahan ng Ehipto. Gayunman, may katibayan na may ilang gayong Migdol noon sa kahabaan ng hanggahan ng Ehipto; maging sa ngayon ay may tatlong iba’t ibang nayon na may pangalang Mashtul, ang kasalukuyang anyo ng Migdol sa Ehipsiyo (na may pinagmulang Coptic). (Tingnan din ang Blg. 2.) Bagaman binabanggit ng isa sa Amarna Tablets ang isang Ma-ag-da-liʹ, wala itong ibinibigay na pahiwatig hinggil sa lokasyon nito. Yamang ang lokasyon ng iba pang mga lugar, ng Pihahirot at ng Baal-zepon, ay hindi nalalaman ngayon, hindi pa rin matiyak ang lokasyon ng Migdol. Itinuturing ng ilan na ito ay malamang na isang dako sa kataasan ng Jebel ʽAtaqah na nakatunghay sa hilagaang dulo ng Gulpo ng Suez. Bagaman ngayon ay walang nalalamang katibayan na mag-uugnay ng gayong dako sa pangalang Migdol, maliwanag na isa itong estratehikong lokasyon para sa isang bantayan o hanggahang himpilan.
Migdol at ng dagat sa tapat ng Baal-zepon.” (2. Ang Migdol na binanggit ng mga propetang sina Jeremias at Ezekiel mga 900 taon pagkatapos ng Pag-alis. Bagaman maaaring ito rin ang dakong isinaalang-alang sa itaas, naniniwala ang karamihan sa mga komentarista na may ikalawang Ehipsiyong Migdol na tinutukoy.
Inihula ng propetang si Ezekiel ang isang pagkawasak na nakatakdang sumapit sa Ehipto, maliwanag na mula sa Babilonya, at pasasapitin ito “mula sa Migdol hanggang sa Seyene at hanggang sa hangganan ng Etiopia.” (Eze 29:10; 30:6) Yamang ang Seyene ay nasa pinakadulong T ng sinaunang Ehipto, lumilitaw na ang Migdol na ito ay nasa pinakadulong H, sa gayon ay lumilikha ng isang deskripsiyon na katulad ng pamilyar na pariralang “mula sa Dan hanggang sa Beer-sheba” na ginamit may kinalaman sa Palestina. (Huk 20:1) Pagkatapos ng pagbagsak ng Jerusalem noong 607 B.C.E., ang nagsilikas na mga Judio ay namayan sa Migdol, Tapanhes, Nop (Memfis), at sa lupain ng Patros. Ngunit masasaksihan noon ng Migdol at ng iba pang mga lugar ang ‘lumalamong tabak’ ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya.—Jer 44:1; 46:13, 14.
Ang Migdol na ito ay kadalasang inuugnay sa isang tanggulan na inilarawan sa mga tekstong Ehipsiyong hieroglyphic na nagsisilbing bantay sa HS mga pasukan ng bansa. Tinutukoy ng The Antonine Itinerary (Itinerarium Provinciarum Antonini Augusti) na mula pa noong ikatlong siglo C.E. ang isang dako na tinatawag na Magdolo malapit sa Pelusium, anupat ang huling nabanggit na lugar ay nasa Baybayin ng Mediteraneo sa dakong maaaring tawaging pasukan patungong Ehipto ng mga nanggagaling sa Filistia. Bagaman walang katiyakan, pansamantalang iniuugnay ng ilang iskolar ang hanggahan-tanggulang ito na tinatawag na Migdol sa Tell el-Heir, mga 10 km (6 na mi) sa TTK ng Pelusium (Tell el Farame).