Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mijamin

Mijamin

[Mula sa Kanang Kamay].

1. Inapo ni Aaron na pinili sa pamamagitan ng palabunutan upang pangunahan ang ikaanim na pangkat ng makasaserdoteng paglilingkod noong mga araw ni Haring David.​—1Cr 24:1, 3, 5, 9.

2. Isa sa mga ulo ng mga saserdote na bumalik mula sa Babilonya kasama ni Zerubabel. (Ne 12:1, 5, 7) Maaaring siya ang pinagmulan ng sambahayan ni Miniamin sa panig ng ama na binanggit sa Nehemias 12:17 (kung saan ang pangalan ng ulo ng sambahayang iyon ay lumilitaw na di-sinasadyang inalis ng eskriba sa tekstong Hebreo).

3. Isa sa “mga anak ni Paros” na nagpaalis sa kanilang mga banyagang ‘asawa pati na sa mga anak’ gaya ng ipinayo ni Ezra.​—Ezr 10:25, 44.

4. Isang saserdote (o posibleng ang ninuno ng isang saserdote) na nakatalang kabilang sa mga nagpatotoo sa pamamagitan ng tatak sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” noong panahon ni Nehemias. (Ne 9:38; 10:1, 7, 8) Waring siya rin ang Miniamin sa Nehemias 12:41.

Sa Hebreo, ang Mijamin ay waring pagpapaikli ng pangalang Miniamin.