Mijo
[sa Heb., doʹchan; sa Ingles, millet].
Ang salitang Hebreo na doʹchan ay karaniwang inuunawa na tumutukoy sa karaniwang mijo (Panicum miliaceum), kung hindi man kabilang din dito ang iba pang kamag-anak o katulad na mga damo gaya ng sorghum. Ang karaniwang mijo ay nakikilala dahil sa malalapad na dahon nito at sa mga panicle nito, o kumpol ng mga buto, na mabuhok at maraming sanga-sanga. Ang mga tangkay ng halamang ito ay karaniwang ipinapakain sa mga alagang hayop, at ang maliliit na buto nito, na marami sa bawat panicle, ay ginagamit pa rin sa Gitnang Silangan sa paggawa ng tinapay, kadalasan ay inihahalo sa ibang binutil. (Eze 4:9) Sa Isaias 28:25, ang terminong Hebreo na soh·rahʹ ay maaaring tumutukoy rin sa mijo.