Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Milca

Milca

1. Anak ng kapatid ni Abraham (Abram) na si Haran, asawa ng kapatid ni Abraham na si Nahor (tiyo ni Milca), at kapatid ni Lot. (Gen 11:27, 29) Naging anak ni Betuel, isa sa walong anak ni Milca, si Rebeka.​—Gen 22:20-23; 24:15, 24, 47.

2. Isa sa limang anak na babae ni Zelopehad na binigyan ng isang mana sa teritoryo ng Manases pagkamatay ng kanilang ama.​—Bil 26:33; 27:1-4; 36:10-12; Jos 17:3, 4.