Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Milo

Milo

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “punuin”].

Ang “sambahayan ng Milo” (“Bet-milo,” AT, JB, RS) ay maaaring isang tanggulan o kuta. Marahil ay ito rin ang “tore ng Sikem.” Lumilitaw na ang mga lalaki ng “sambahayan ng Milo” ay tumulong upang maging hari si Abimelec. Ang makahulang mga salita ng anak ni Gideon na si Jotam ay bumanggit ng kasakunaan para sa “sambahayan ng Milo” sa mga kamay ni Abimelec. Natupad ito nang silaban ni Abimelec ang kuta ng bahay ni El-berit at ang lahat ng nanganlong doon ay namatay.​—Huk 9:6, 20, 46-49.