Milya
Isang panukat ng distansiya. (Mat 5:41) Sa Kasulatan, malamang na ang panukat na tinutukoy rito na miʹli·on ay ang milyang Romano (1,479.5 m; 4,854 na piye). Sa Lucas 24:13; Juan 6:19; 11:18, ang salitang miʹli·on ay hindi lumilitaw sa tekstong Griego, ngunit binabanggit ang mga sukat ng distansiya ayon sa mga estadyo (1 Romanong estadyo = 1⁄8 milyang Romano; 185 m; 606.75 piye). Sa Bagong Sanlibutang Salin, ang mga sukat para sa mga estadyo sa Lucas 24:13; Juan 6:19; 11:18 ay ginawang mga kilometro (sa saling Ingles ay ginamit ang salitang mile). Halimbawa, ang “animnapung estadyo” ay isinasaad bilang “mga labing-isang kilometro” (7 mi).—Luc 24:13.