Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mini

Mini

Isang sinaunang kaharian na tinawag ng Diyos upang makipaglaban sa Babilonya. Noong panahong iyon, ang Mini ay kaalyado ng mga kaharian ng Ararat at Askenaz, anupat lahat ng ito ay nasa ilalim ng kontrol ni Ciro.​—Jer 51:27-29.

Hindi matiyak ang eksaktong lokasyon ng sinaunang kahariang ito at ng mga tao nito. Inilagay ito ng ilang gumagawa ng mga mapa sa rehiyong nasa pagitan ng Lawa ng Van at ng Ilog Araxes. Ngunit ipinapalagay ng karamihan sa mga komentarista na ito’y nasa dakong TS ng Lawa ng Van.

Kung ang Mannai o mga Manneano ang naninirahan sa Mini gaya ng sinasabi ng ilang iskolar, ang Mini, batay sa mga inskripsiyong cuneiform, ay napasailalim ng panunupil sa iba’t ibang pagkakataon, una ay sa mga Asiryano at pagkatapos ay sa Imperyo ng Media. Ayon sa isang kronikang Babilonyo, noong ikasampung taon ng paghahari ni Nabopolassar (636 B.C.E.), ‘nabihag niya ang mga Manneano na tumulong sa kanila (samakatuwid ay sa mga Asiryano).’ (Assyrian and Babylonian Chronicles, ni A. K. Grayson, 1975, p. 91) Ngunit nang bumagsak ang Babilonya noong 539 B.C.E., ang Mini ay pinamumunuan na ng Imperyo ng Medo-Persia.