Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Misael

Misael

[posible, Sino ang Tulad ng Diyos?; o, Sino ang sa Diyos?].

1. Isang Kohatitang Levita at anak ni Uziel. (Exo 6:18, 22) Pagkatapos patayin ni Jehova ang mga anak ni Aaron na sina Nadab at Abihu dahil sa paghahandog ng kakaibang apoy, si Misael at ang kaniyang kapatid na si Elsapan ang bumuhat sa mga bangkay ng mga ito patungo sa labas ng kampo.​—Lev 10:1-5.

2. Ang orihinal na pangalan ng isa sa tatlong Judeanong kasamahan ni Daniel na pinanganlang “Mesac” ng pangunahing opisyal ng korte ng Babilonya.​—Dan 1:6, 7; tingnan ang MESAC.

3. Isa sa mga lalaking tumayo sa kaliwa ni Ezra nang ang tagakopya ay bumasa mula sa aklat ng Kautusan sa mga Judiong nagkakatipon sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya.​—Ne 8:3, 4.