Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Misal

Misal

[Dako ng Pagsangguni].

Isang lunsod ng Aser sa hanggahan nito. Ibinigay ito sa mga Gersonitang Levita at lumilitaw na tinatawag din itong Masal. Malamang na ang Misal ay di-kalayuan sa Bundok Carmel. (Jos 19:24-26; 21:27, 30; 1Cr 6:74) Gayunman, hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon nito.