Misia
Isang rehiyon sa HK bahagi ng Asia Minor. Waring nagpabagu-bago ang mga hangganan nito, ngunit karaniwan na, ang hangganan ng Misia sa K hanggang H ay ang Dagat Aegeano, ang Hellespont (Dardanelles) at ang Propontis (Dagat ng Marmara). Ang Bitinia ay nasa S nito at ang Lydia naman ay nasa T. (Tingnan ang ASIA.) Habang nasa kaniyang ikalawang paglalakbay bilang misyonero, si Pablo, kasama sina Silas at Timoteo, ay nagsikap na pumaroon sa Bitinia, ngunit “hindi sila pinahintulutan ng espiritu ni Jesus. Kaya nilampasan nila ang Misia at bumaba sa Troas.” (Gaw 15:40; 16:1-3, 7, 8) Yamang ang daungang-dagat ng Troas ay nasa Misia, maliwanag na nangangahulugan ito na bagaman si Pablo at ang kaniyang mga kasama ay dumaan sa Misia, nilaktawan nila ito bilang larangan ng gawaing pagmimisyonero. Ang iba pang mga lunsod ng Misia ay ang Adrameto (Gaw 27:2), Asos (Gaw 20:13, 14), at Pergamo.—Apo 1:11; tingnan ang TROAS.