Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

NERGAL

NERGAL

Isang bathala ng Babilonya na pantanging sinamba sa Cuta, isang lunsod na ayon sa kasaysayan ay inialay kay Nergal. Ang taong-bayan ng Cut (Cuta), na pinamayan ng hari ng Asirya sa teritoryo ng Samaria, ay nagpatuloy sa kanilang pagsamba sa bathalang ito. (2Ha 17:24, 30, 33) Iminumungkahi ng ilang iskolar na si Nergal ay unang iniugnay sa apoy at sa init ng araw at nang maglaon ay itinuring siya bilang isang diyos ng digmaan at pangangaso at isang tagapagdala ng salot. Sa mga tekstong relihiyoso, ang mga bansag kay Nergal ay nagpapahiwatig na pangunahin siyang itinuring bilang isang tagapuksa. Tinatawag siyang “ang nagngangalit na hari,” “ang marahas,” at “ang isa na sumusunog.” Nang maglaon, si Nergal ay itinuring din bilang diyos ng daigdig ng mga patay at asawa ni Eresh-Kigal. Ipinapalagay na ang leon na may mga pakpak at may ulo ng tao ay sagisag ni Nergal.

Maliwanag na ang pangalan ni Nergal-sarezer na Rabmag, isa sa mga prinsipe ni Haring Nabucodonosor, ay kinuha sa pangalan ng diyos na ito.​—Jer 39:3, 13.