Naara
1. [Batang Babae; Kabataang Babae]. Isang asawa ng Judeanong si Ashur. Apat ang naging anak ni Ashur sa kaniya.—1Cr 4:1, 5, 6.
2. [mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “ipagpag”]. Isang lunsod sa hangganan ng Efraim. (Jos 16:5, 7) Ipinapalagay na ito rin ang Naaran. (1Cr 7:28) Karaniwang itinuturing na ang Naara ay ang No·o·rathʹ na binanggit sa Onomasticon ni Eusebius (136, 24). Waring tinatawag naman ni Josephus na Neara ang lugar na ito. Inilahad niya na ang kalahati ng tubig nito ay inilihis upang patubigan ang mga palma malapit sa palasyo ni Arquelao sa Jerico. (Jewish Antiquities, XVII, 340 [xiii, 1]) Ipinapalagay na ito ay ang Tell el-Jisr, na mga 3 km (2 mi) sa HK ng Jerico.