Naiot
Waring isang lugar kung saan nanirahan ang ibang propeta noong panahon ni Samuel. (1Sa 19:18–20:1) Maaaring tumutukoy ito sa isang lokalidad o purok ng bayan ng Rama, sa maburol na lupain ng Efraim. (Tingnan ang RAMA Blg. 5.) Pinatutunayan ng tagasuri ng teksto na si S. R. Driver ang pangmalas na ito, sa pagkokomento ng ganito: “Malamang na pangalan ito ng isang lokalidad sa Rama, anupat hindi na natin alam kung ano ang kahulugan nito.”—Notes on the Hebrew Text and the Topography of the Books of Samuel, Oxford, 1966, p. 159.