Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Nason

Nason

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “serpiyente”].

Pinuno ng tribo ni Juda noong nasa ilang. Si Nason ay anak ni Aminadab at kabilang sa ikalimang nakatalang salinlahi pagkatapos ni Juda. (1Cr 2:3-10) Ang kaniyang kapatid na babae ay asawa ni Aaron. (Exo 6:23) Si Nason ay isang kawing sa linya ng angkan na umakay tungo kay David at kay Jesus, anupat naging anak niya si Salmon na nag-asawa kay Rahab, at siya’y lolo ni Boaz na nag-asawa naman kay Ruth.​—1Cr 2:11-15; Ru 4:20; Mat 1:4-6, 16; Luc 3:32.

Bilang pinuno ng Juda, ang nangungunang tribo ng Israel, tinulungan ni Nason si Moises sa unang pagrerehistro ng mga lalaking mandirigma sa ilang. Naghandog siya ng abuloy sa paglilingkod sa tabernakulo nang pasinayaan ang altar, at pinangunahan niya ang hukbo ng Juda na 74,600 katao na nanguna sa hanay ng paghayo ng Israel.​—Bil 1:2-7; 2:3, 4; 7:2, 11-17; 10:14.