Natan-melec
[Ang Hari ay Nagbigay].
Isang opisyal ng korte ng Juda na ang silid-kainan ay nasa mga portiko ng templo. Habang gumagawa ng mga hakbang laban sa huwad na pagsamba, ang mga kabayo na ibinigay ng mga Judeanong hari sa araw ay “pinatigil [ni Haring Josias] sa pagpasok sa bahay ni Jehova sa may silid-kainan ni Natan-melec.”—2Ha 23:11.