Nedabias
[Si Jah ay Nakahanda (Marangal; Bukas-palad)].
Huling binanggit na anak ni Haring Jeconias (Jehoiakin), ipinanganak noong panahon ng pagkatapon ni Jeconias sa Babilonya. (1Cr 3:17, 18; 2Ha 24:15; Jer 29:1, 2, 4, 6) Si Nedabias ay isang inapo ni David mula sa tribo ni Juda at tiyo ni Zerubabel, ang gobernador pagkaraan ng pagkatapon.—1Cr 3:1, 17-19; Hag 1:1.