Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Nehilot

Nehilot

Isang transliterasyon ng nechi·lohthʹ, isang terminong Hebreo na di-matiyak ang pinagkunan at kahulugan, anupat sa superskripsiyon lamang ng Awit 5 ito lumilitaw. Waring ang Nehilot ay isang pananalitang pangmusika, at marami ang naniniwala na tumutukoy ito sa isang panugtog na hinihipan, anupat iniuugnay nila ito sa isang salitang-ugat na Hebreo na may kaugnayan sa cha·lilʹ (plawta). Gayunman, maaaring ang pariralang “para sa Nehilot” ay tumutukoy sa isang melodya. Isinasalin ng Griegong Septuagint at ng Latin na Vulgate ang terminong ito bilang “[para] sa kaniya na nagmamana.”