Nehusta
Anak na babae ni Elnatan ng Jerusalem at asawa ni Haring Jehoiakim. Nang ang unang mga bihag ay dalhin sa Babilonya noong 617 B.C.E. pagkatapos ng tatlong-buwang pamamahala ng kaniyang anak na si Jehoiakin, si Nehusta ay kasamang dinala at malamang na habang-buhay nang nanatili roon.—2Ha 24:6, 8, 12; Jer 29:2.