Nemuel
1. Una sa nakatalang limang anak ni Simeon at ulo ng pamilya ng mga Nemuelita. (Bil 26:12-14; 1Cr 4:24) Sa talaan ng mga pumaroon sa Ehipto kasama ni Jacob ay tinatawag siyang Jemuel.—Gen 46:8, 10; Exo 6:15.
2. Anak ni Eliab at apo sa tuhod ni Ruben. Ang kaniyang mga kapatid ay ang mga rebelde na sina Datan at Abiram na nilamon ng lupa.—Bil 26:5, 8, 9; Deu 11:6.