Nergal-sarezer
[mula sa wikang Akkadiano, nangangahulugang “Ipagsanggalang Nawa ni Nergal ang Hari”].
1. Isang Babilonyong prinsipe noong panahon ni Nabucodonosor.—Jer 39:3.
2. Isa pang mahalagang prinsipe sa mga hukbo ni Nabucodonosor noong bumagsak ang Jerusalem, naiiba sa Blg. 1 dahil sa karagdagang titulo na Rabmag. Ang Rabmag na ito ang tumulong sa pagpapalaya kay Jeremias.—Jer 39:3, 13, 14.
Dahil ang pangalang ito ay may kapansin-pansing pagkakatulad doon sa nasumpungan sa mga inskripsiyong Babilonyo (Nergal-shar-usur), inaakala ng ilang iskolar na ang prinsipeng ito ay si Neriglissar (anyong Griego), pinaniniwalaang ang humalili kay Haring Evil-merodac (Awil-Marduk).—Ancient Near Eastern Texts, inedit ni J. Pritchard, 1974, p. 308.