Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Neri

Neri

[mula sa Heb., pinaikling anyo ng Nerias].

Isang inapo ni Haring David sa pamamagitan ni Natan sa maharlikang angkan ni Jesus. Ayon kay Lucas, si Sealtiel ay anak ni Neri, ngunit sinasabi ni Mateo na naging anak ni Jeconias si Sealtiel. (Mat 1:12; Luc 3:27) Marahil ay napangasawa ni Sealtiel ang anak na babae ni Neri, sa gayon ay naging kaniyang manugang. Pangkaraniwan sa mga Hebreong talaan ng angkan na tukuyin ang isang manugang bilang anak. Samakatuwid, parehong tama ang mga ulat.