Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Netanel

Netanel

[Ang Diyos ay Nagbigay].

1. Pinuno ng tribo ni Isacar; anak ni Zuar. (Bil 1:8, 16) Sa katungkulang ito, siya ang nangasiwa sa sensus sa ilang para sa Isacar, nagharap ng kaniyang kaloob nang pasinayaan ang altar ng tabernakulo, at nanguna sa isang hukbo ng 54,400.​—Bil 2:5, 6; 7:11, 18-23; 10:15.

2. Ikaapat na binanggit na anak ni Jesse at nakatatandang kapatid ni Haring David.​—1Cr 2:13-15.

3. Isang Levita na ang anak na si Semaias ay isang kalihim noong panahon ng paghahari ni David.​—1Cr 24:6.

4. Isang saserdote na tumugtog ng trumpeta sa harap ng kaban ng tipan sa prusisyong sumabay rito patungong Jerusalem.​—1Cr 15:24.

5. Isang Levitang bantay ng pintuang-daan na nakatalaga noong panahon ni David sa gawing T ng santuwaryo na kinaroroonan ng mga kamalig; ikalimang anak ni Obed-edom.​—1Cr 26:4, 8, 15.

6. Isang prinsipe na isinugo ni Haring Jehosapat upang magturo ng kautusan ni Jehova sa mga lunsod ng Juda.​—2Cr 17:7-9.

7. Isang pinunong Levita na nag-abuloy ng mga hayop para sa paghahain sa pagdiriwang ng dakilang Paskuwa na isinaayos ni Josias.​—2Cr 35:9, 18, 19.

8. Ulo ng makasaserdoteng sambahayan ni Jedaias sa panig ng ama noong mga araw ng kahalili ni Jesua na si Joiakim.​—Ne 12:12, 21.

9. Isang saserdote na kabilang sa mga anak ni Pasur na kumuha ng mga asawang banyaga ngunit nagpaalis sa mga iyon dahil sa panghihimok ni Ezra. (Ezr 10:22, 44) Posibleng siya rin ang Blg. 10.

10. Isang manunugtog sa isa sa mga prusisyong nagdiwang ng muling pagtatayo ng pader ng Jerusalem noong mga araw ni Nehemias. (Ne 12:31, 35, 36) Posibleng siya rin ang Blg. 9.