Nimrim
[posible, Mga Leopardo].
Sa mga hula laban sa Moab, kapuwa tinukoy nina Isaias at Jeremias ang “tubig ng Nimrim.” (Isa 15:5-9; Jer ) Dahil sa matabang rehiyon na nakapalibot doon, ipinapalagay ng ilan na ang tubig ng Nimrim ay ang Wadi Nimrin, na ang tubig ay umaagos patungo sa Jordan sa H ng Dagat na Patay. (Tingnan ang 48:34, 35BET-NIMRA.) Gayunman, batay sa pagkakasunud-sunod ng mga lugar sa hula, waring ito ay nasa T ng Moab. Kaya mas ipinapalagay ng marami na ito ay ang Wadi en-Numeirah, na umaagos patungo sa TS dulo ng Dagat na Patay mga 17 km (11 mi) sa KTK ng Karak. Ayon sa mga hula, ang tubig na ito’y “matitiwangwang,” maaaring sa makasagisag na diwa dahil sa pagtitiwangwang ng lupain o marahil ay dahil pipigilan ng mga hukbo ng kaaway ang mga batis nito.