Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Nisroc

Nisroc

Isang bathalang sinamba ni Senakerib na hari ng Asirya. Sa templo ni Nisroc pinaslang si Senakerib ng kaniyang mga anak na sina Adramelec at Sarezer. (2Ha 19:36, 37; Isa 37:38) Iminumungkahi ng maraming iskolar na iugnay si Nisroc sa diyos-apoy na si Nusku, na ipinapalagay na tumutulong upang talunin ang mga kaaway sa digmaan at naglilingkod bilang mensahero ng mga diyos at bilang tagapaglapat ng katarungan. Gayunman, sa ngayon ay hindi posibleng tiyakang maiugnay si Nisroc sa kaninumang kilalang bathala ng Asirya.