Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Noa

Noa

[sa Heb., No·ʽahʹ].

Isa sa limang anak na babae ni Zelopehad, mula sa tribo ni Manases. Dahil si Zelopehad ay namatay na walang anak na lalaki, iniutos ni Jehova na dapat ipagkaloob sa mga anak na babae ang pantribong pag-aari ng kanilang ama bilang mana. Nagsilbi itong isang legal na saligan. Nang maglaon ay iniutos din na ang mga anak na babae na magmamana ay dapat na maging asawa ng mga lalaking mula sa kanilang sariling tribo upang mapanatili ang mana, sa gayo’y hindi ito magpapalipat-lipat ng tribo.​—Bil 26:28-33; 27:1-11; 36:6-12; Jos 17:3, 4.