Noha
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “magpahinga; manatili”].
Ang ikaapat na nakatalang anak ni Benjamin. (1Cr 8:1, 2) Yamang hindi siya binanggit kasama ng mga nakatala sa Genesis kabanata 46, malamang na ipinanganak siya pagkatapos na pumasok sa Ehipto ang pamilya. Ipinapalagay ng ilan na ang Noha ay isa pang pangalan ni Sepupam o ang kaniyang inapo.—Bil 26:39.