Obed
[Lingkod; Isa na Naglilingkod].
1. Isang inapo ni Juda; ang ama ni Jehu at anak ni Eplal na mula sa pamilya ni Jerameel.—1Cr 2:3, 25, 37, 38.
2. Ama ni Jesse, na ama ni Haring David. Si Obed ay anak ni Boaz sa kaniyang asawang si Ruth at isang ninuno ni Jesu-Kristo.—Ru 4:13-17, 21, 22; 1Cr 2:12; Mat 1:5; Luc 3:32.
3. Isa sa makapangyarihang mga lalaki ng mga hukbong militar ni David.—1Cr 11:26, 47.
4. Isang Levita na mula sa pamilya ni Kora; ang apo ni Obed-edom at anak ni Semaias. Naglingkod siya bilang isang bantay ng pintuang-daan “sa bahay ni Jehova.”—1Cr 26:1, 4, 7, 12.
5. Ama ng isang Azarias, isa sa “mga pinuno ng daan-daan” na tumulong sa mataas na saserdoteng si Jehoiada upang pabagsakin si Reyna Athalia nang sa gayon ay maitalaga si Jehoas bilang hari.—2Cr 23:1, 12-15, 20; 24:1.