Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Oholiba

Oholiba

[Ang Aking Tolda [ng Pagsamba] ay Nasa Kaniya].

Sa Ezekiel kabanata 23, ang kawalang-katapatan ng Jerusalem kay Jehova ay inilalarawan sa alegoriya hinggil sa patutot na si Oholiba. Waring ipinahihiwatig ng kahulugan ng pangalang Oholiba ang bagay na ang tolda, o santuwaryo, ni Jehova ay nasa kaniyang teritoryo. (Ihambing ang OHOLA.) Gayunman, sa halip na pahalagahan ito at isapuso ang kaparusahan na sumapit sa kaniyang kapatid na si Ohola (Samaria) dahil sa kawalang-katapatan, hindi lamang ipinagpatuloy ni Oholiba ang rekord ng kataksilan na pinasimulan sa Ehipto kundi gumawi siya nang masahol pa sa kaniyang kapatid. Nagsagawa siya ng idolatriya nang malawakan at nagkaroon ng pulitikal na pakikisangkot sa mga Asiryano at mga Babilonyo. Dahil dito ang kaniyang dating mga mangingibig, ang mga Babilonyo, ay inihulang darating laban sa kaniya at gagawin siyang “bagay na katatakutan.”