Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Omer

Omer

Isang panukat ng tuyong bagay na katumbas ng ikasampu ng isang epa. (Exo 16:16, 18, 22, 32, 33, 36) Ang takal na epa ay tinutuos na 22 L (20 tuyong qt) batay sa arkeolohikal na katibayan hinggil sa mailalaman ng katumbas nitong bat na panukat ng likido. (Ihambing ang Eze 45:10, 11). Sa gayon, ang isang takal na omer ay katumbas ng 2.2 L (2 tuyong qt).

Isinisiwalat ng paghahambing ng tekstong Hebreo ng Exodo 29:40 at Bilang 28:5 na ang ‘ikasampung bahagi’ ay nangangahulugang ikasampu ng isang epa, o isang omer. Naglalaan ito ng saligan upang ang Hebreong ‘ikasampung bahagi’ ay isalin bilang “ikasampu ng isang epa.”​—Bil 15:4, AT, NW, Ro, JP.