Omri
1. Ikalimang nakatala sa siyam na mga anak o mga inapo ni Beker, isang anak ni Benjamin.—1Cr 7:6, 8.
2. Prinsipe ng tribo ni Isacar noong panahon ng paghahari ni David; anak ni Miguel.—1Cr 27:18, 22.
3. Ikaanim na hari ng hilagang sampung-tribong kaharian ng Israel. Walang anumang nakaulat tungkol sa pinagmulang angkan ni Omri, kahit ang pangalan ng kaniyang ama o tribo. Si Omri ang pinagmulan ng ikatlong dinastiya ng Israel (yaong kina Jeroboam at Baasa ang nauna), anupat ang kaniyang anak na si Ahab at mga apong sina Ahazias at Jehoram ang humalili sa kaniya, at ang apat na ito sa kabuuan ay umabot nang mga 46 na taon (mga 951-905 B.C.E.) sa trono. Ang apo sa tuhod ni Omri na si Athalia ay namahala nang anim na taon sa trono ng Juda. (2Ha 8:26; 11:1-3; 2Cr 22:2) Si Jehu, na lumipol sa sambahayan ni Ahab at nagtatag ng sumunod na dinastiya ng Israel, ay tinatawag na isang “anak [samakatuwid nga, kahalili] ni Omri” sa Black Obelisk ni Salmaneser III. (Ancient Near Eastern Texts, inedit ni J. Pritchard, 1974, p. 281) Sa katunayan, patuloy na tinawag ng mga Asiryano ang Israel bilang “ang lupain ni Omri” at ang mga hari ng Israel bilang “ang sambahayan ni Omri” sa loob ng mahabang panahon kahit tumigil na ang pamamahala ng kaniyang mga inapo—isang parangal sa kaniyang kapangyarihan.
Si Omri ay umupo sa trono, hindi sa pamamagitan ng pagmamana, kundi sa pamamagitan ng tabak. Siya ang pinuno ng hukbo ng Israel sa ilalim ni Haring Elah (at marahil sa ilalim ng hinalinhan niyang si Baasa) nang pabagsakin ni Zimri, pinuno ng kalahati ng mga karo, si Elah, anupat kinuha ang pagkahari para sa kaniyang sarili at nilipol ang sambahayan at mga kaibigan ni Baasa. Nang maiulat ito sa hukbong Israelita, na nagkakampo noon laban sa mga Filisteo sa Gibeton, ginawa ng “buong Israel,” walang alinlangang ang mga ulo ng mga tribo “sa kampo,” na maging kanilang hari si Omri. Kaagad silang umalis sa Gibeton at dumaluhong sa Tirza na kabisera ni Zimri. Palibhasa’y nakikita ang kawalang-pag-asa ng kaniyang ipinakikipaglaban, sinunog ni Zimri ang bahay ng hari habang nasa loob siya, anupat buong-saklap na winakasan ang kaniyang pitong-araw na pamamahala.—1Ha 16:8-20.
Ngunit isang bagong karibal ni Omri ang lumitaw—si Tibni na anak ni Ginat. Ang taong-bayan ay nanatiling nahahati sa loob ng mga apat na taon, 1Ha 16:15-18) Nang dakong huli, noong ika-31 taon ni Asa (mga 947 B.C.E.), namatay si Tibni sa isang paraang di-binanggit, anupat iniwan kay Omri ang mga walong taon ng nagsosolong pamamahala.—1Ha 16:21-23, 29; tingnan ang KRONOLOHIYA.
anupat nang panahong iyon ay ipinapalagay na nagngalit ang digmaang sibil hanggang sa talunin ng mga tagasuporta ni Omri yaong kay Tibni, anupat naitatag ang di-matututulang pamamahala para kay Omri. Namatay si Zimri noong ika-27 taon ni Haring Asa ng Juda (mga 951 B.C.E.). (Ang “kalakasan” ay iniuukol kay Haring Omri. (1Ha 16:27) Ayon sa taludtod 4 hanggang 8 ng Batong Moabita, sinakop ni Omri ang Moab, anupat ang panunupil ay ipinagpatuloy ni Ahab. (2Ha 3:4) Noong kalagitnaan ng kaniyang paghahari, may-katalinuhang inilayo ni Omri ang kaniyang kabisera mula sa Tirza, na napansin niyang napakadaling bihagin. Binili niya ang bundok na pag-aari ni Semer, na angkop na angkop para pagkutaan, at doon ay nagtayo siya ng isang bagong lunsod, ang Samaria, na may kakayahang makatagal sa mahahabang pagkubkob. (1Ha 16:23, 24) Tinatawag din siya sa mga inskripsiyong cuneiform bilang tagapagtatag nito, at ito rin ang naging kaniyang dakong libingan. (1Ha 16:28) Noong panahon ng kaniyang paghahari, dumanas si Omri ng iba’t ibang kabiguan, gaya ng pangangailangang isuko ang ilang lunsod sa hari ng Sirya (1Ha 20:34) at magbayad ng tributo sa Asirya, anupat siya ang unang Israelitang hari na gumawa nito.
May kaugnayan sa relihiyon, ipinagpatuloy ni Omri ang pabulusok na kalagayan ng hilagang kaharian; ipinagpatuloy niya ang idolatriya ni Jeroboam; sa katunayan, ‘patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova at gumawa ng mas masama kaysa sa lahat ng nauna sa kaniya.’ (1Ha 16:25, 26) Pagkalipas ng mga 200 taon, sa pamamagitan ni Mikas, hinatulan ni Jehova ang Israel dahil sa pagsunod sa “mga batas ni Omri.”—Mik 6:16.
4. Isang Judahita na ang inapo ay nanirahan sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya.—1Cr 9:3, 4.