Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ono

Ono

Isang lunsod na maliwanag na itinayo ng Benjamitang si Semed na “anak” ni Elpaal. (1Cr 8:1, 12) Pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya, ang Ono ay muling tinirahan ng mga Benjamita. (Ezr 2:1, 33; Ne 7:6, 37; 11:31, 35) Ipinapalagay na ang Kafr ʽAna (Ono), na mga 11 km (7 mi) sa STS ng Jope, ang sinaunang lokasyon na ito. Ilang kilometro lamang ang layo ng lokasyong ito mula sa iminumungkahing mga lugar ng sinaunang Lod at Hadid. Posibleng ang “kapatagang libis ng Ono” (Ne 6:2) ay tumutukoy sa malawak na libis na kinaroroonan ng Kafr ʽAna. Ang “kapatagang libis” na ito ay iniuugnay rin sa “libis ng mga bihasang manggagawa [geh ha·chara·shimʹ].” (Ne 11:35) Ngunit ipinapalagay ng ilang iskolar na ang Hebreong geh ha·chara·shimʹ ay tumutukoy sa ibang lokasyon at tinutumbasan nila ito ng transliterasyong “Ge-harasim” bilang isang pangalang pantangi.​—JP; ihambing ang 1Cr 4:14.