Ozni
[posibleng pinaikling anyo ng Azanias].
Anak ni Gad at pinagmulan ng pantribong pamilya ng mga Oznita na binilang noong ikalawang pagrerehistro ng Israel sa ilang. (Bil 26:15, 16) Si Ozni ay tinatawag na Ezbon sa unang talaan ng mga anak ni Gad, kung saan ang pangalan ng ilan sa mga ito ay waring iba ang pagkakasulat sa Mga Bilang.—Gen 46:16.