Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagtakas, Lupain ng

Pagtakas, Lupain ng

Isang lupain sa “silangan ng Eden,” kung saan nanahanan ang hinatulang mamamaslang na si Cain. (Gen 4:16) Ang salitang Hebreo na nohdh (pagtakas) ay hinalaw sa salitang-ugat na nudh, na ang isang anyo ay isinalin bilang “takas” sa mga talata 12 at 14. Hindi alam kung saan ang lokasyon ng lupaing ito.