Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pambundol

Pambundol

Isang kasangkapan sa pakikipagdigma na ginagamit ng mga nangungubkob upang butasan o gibain ang mga pintuang-daan at mga pader ng isang lunsod o tanggulan. Ang pinakasimpleng uri ng pambundol ay isang mabigat na bigang kahoy na may bakal sa pinakadulo na kahawig ng ulo ng barakong tupa. Malamang na dahil dito o dahil ibinubundol ito nang pasuwag kung kaya ang salitang Hebreo (kar) para sa barakong tupa ang katawagang ginamit para rito.​—Eze 4:1, 2; 21:22.

Ang mga nangungubkob ay nagtatambak ng bunton ng lupa, o muralyang pangubkob, sa harap ng mga pader ng lunsod upang magsilbing nakahilig na rampa kung saan maaaring isampa ang mga pambundol at ang iba pang mga makinang pandigma. Ang mga toreng kasintaas ng mga pader ng lunsod ay maaaring itulak paakyat sa muralya upang ang mga sumasalakay na naroroon ay maging kapantay ng mga nagtatanggol sa lunsod. Sinisira ng mga kawal na nagtatanggol ang mga pambundol sa pamamagitan ng paglalaglag sa mga iyon ng nagliliyab na kahoy o ng pagkalawit sa mga iyon gamit ang mga tanikala o mga grapnel (maliliit na angkla na may mga simà).

[Larawan sa pahina 782]

Asiryanong pambundol at de-gulong na toreng pansalakay