Pangmadlang Tagapagturo
Isa na naturuan sa isang partikular na larangan ng kaalaman at nagtuturo nang hayagan sa iba. Ang pananalitang “pangmadlang tagapagturo” ay isinalin mula sa salitang Griego na gram·ma·teusʹ. Isinalin ito ng The New English Bible bilang “guro”; ginagamit naman ng Knox ang mga pananalitang “iskolar” at ‘taong mataas ang pinag-aralan.’ Isang talababa sa New World Translation ang kababasahan: “taong may pinag-aralan.” (Mat 13:52, tlb sa Rbi8; Mat 23:34) Kadalasan, ang gayunding salitang Griego ay isinasalin bilang “eskriba”; ngunit upang linawin na hindi ang relihiyosong grupo ng mga Judio na kilala bilang mga eskriba ang tinutukoy, ang pananalitang “pangmadlang tagapagturo” ang ginagamit sa Bagong Sanlibutang Salin kapag ang tinutukoy ng teksto ay ang sariling mga alagad ni Jesus.
Noong naririto si Jesus sa lupa, ang mga eskriba (gram·ma·teisʹ) ay mga lalaking bihasa sa Kautusan at mga guro ng bayan, ngunit sila’y napasamâ ng mga tradisyon ng mga tao at ng mga paganong doktrina. Ang terminong “mga eskriba” ay pangunahin nang ikinapit sa kanila bilang isang titulo, anupat ginamit ito upang tumukoy sa kanila bilang isang pantanging grupo, sa halip na sa kanilang orihinal na mga tungkulin bilang mga tagakopya.
Pumarito si Jesus upang magpatotoo sa katotohanan. Sa layuning maipangaral ang mabuting balita ng Kaharian, inihanda niya ang kaniyang mga alagad upang maging mga guro, o mga pangmadlang Mat 13:52) Ang mga ito ang isinugo niya sa Israel, ngunit hindi napag-unawa ng sariling mga eskriba ng Israel ang kayamanang iniaalok sa kanila ng Diyos sa pamamagitan ng mga taong ito. Sa kabaligtaran pa nga, sinalansang nila ang isinagawang pangmadlang pagtuturo at nakibahagi sila sa paghagupit, pag-uusig, at pagpatay kay Jesus at sa kasamahan niyang mga pangmadlang tagapagturo, sa gayo’y pinatunayan nilang sila’y mga bulaang tagapagturo. Gayunpaman, maraming tao mula sa Israel at mula sa mga bansa ang tinuruan ng mga naturuan ni Jesus, at ang mga ito rin naman ay naging mga pangmadlang tagapagturo ng Salita ng Diyos.—Mat 23:34; 28:19, 20.
tagapagturo, hinggil sa Kaharian ng Diyos. Dinakila niya ang kanilang katungkulan at ang kahalagahan ng pakikinig sa kanilang turo nang tukuyin niya sila bilang mga pangmadlang tagapagturo; ang bawat isa sa kanila ay inihalintulad niya sa isang taong naturuan na may isang tunay na imbakan ng kayamanan na mapagkukunan ng kaalaman. (Sa ilalim ng Kautusan, ang mga Levita ang binigyan ng pananagutang maglaan ng pangmadlang pagtuturo sa bayan. (Lev 10:11; Deu 17:10, 11; 2Cr 17:7-9) Si Moises na Levita, bilang tagapamagitan ng tipang Kautusan, at nang maglaon, si Josue na mula sa tribo ni Efraim, bilang lider ng bansa, ay naging mga pangmadlang tagapagturo ng bayan ng Diyos. (Deu 4:1; 34:9; Jos 8:35) Sa katulad na paraan, ang mga hukom at ang tapat na mga hari ay nagtuturo tungkol sa Kautusan kapag sila’y dumirinig at humahatol ng mga kaso at kapag nangangasiwa sila sa mga okasyong may kinalaman sa pagsamba.—1Ha 8:1-61; 2Ha 23:2.
Ang isang namumukod-tanging halimbawa ng pangmadlang tagapagturo ay ang saserdoteng si Ezra; taglay ang suporta ni Nehemias, nagsagawa siya ng isang programa ng pangmadlang pagtuturo sa mga Israelitang nakabalik mula sa Babilonya. Binasa niya ang Kautusan at inorganisa niya ang mga Levita upang magampanan ng mga ito ang kanilang mga tungkulin na ‘pagpapaliwanag ng kautusan sa bayan,’ ‘pagbibigay roon ng kahulugan,’ at ‘pagbibigay ng unawa sa pagbasa,’ sa gayon ay ‘tinuturuan ang bayan.’—Ne 8:1-9.