Papel
Noong panahon ng Bibliya, isa itong manipis na materyales na mapagsusulatan na ginagawang mga pilyego mula sa mga pahabang piraso na nakukuha sa halamang papiro.—Tingnan ang PAPIRO.
Ang mga Ehipsiyo ang kinikilalang unang nakagawa ng papel na papiro na mapagsusulatan, anupat ginamit nila ang mga halamang papiro na tumutubo noon sa kahabaan ng mga pampang ng Ilog Nilo. Tinataya ng ilang arkeologo na ang gayong paggawa ng papel ay noon pang panahon ni Abraham.
Papel na papiro ang ginamit ng unang mga Kristiyano para sa kanilang mga liham, mga balumbon, 2 Juan 12, isinulat ng apostol na mas gusto sana niyang ihatid ang kaniyang mensahe “nang mukhaan” kaysa sa pamamagitan ng “papel at tinta.” Dito, ang salitang “papel” ay isinalin mula sa salitang Griego na kharʹtes, na sinasabing nangangahulugang isang pilyego ng papel na gawa sa papiro.
at mga codex. Nagkaroon din ito ng mahalagang bahagi sa paggawa ng mga manuskrito ng Bibliya, hanggang sa halinhan ito ng vellum (balat ng hayop na pino ang hilatsa) noong ikaapat na siglo C.E. Sa