Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Parsin

Parsin

Isa sa mga salitang makahimalang isinulat sa pader ng palasyo ni Belsasar at binasa at binigyang-kahulugan ni Daniel. (Dan 5:25) Ito ang pangmaramihang bilang ng “Peres,” na nangangahulugang “kalahating siklo,” isang hati ng isang siklo. Nang bigyang-kahulugan ito ni Daniel, hindi niya ginamit ang pangmaramihang “Parsin,” kundi ginamit niya ang anyong pang-isahan (Peres) nito. (Dan 5:28) Marahil ito ay dahil si Belsasar lamang ang presente noon upang makapakinig sa paliwanag ng propeta hinggil sa makahulang mensahe, bagaman kumakapit ito sa dalawang tagapamahala ng Imperyo ng Babilonya, kay Belsasar at kay Nabonido.​—Tingnan ang PERES, I.