Pasur
1. Ama ng Gedalias na isa sa mga prinsipe ng Juda na may pananagutan sa paghahagis kay Jeremias sa imbakang-tubig.—Jer 38:1, 4, 6.
2. Isang prinsipe sa delegasyong isinugo ni Haring Zedekias upang sumangguni kay Jeremias may kinalaman sa kinabukasan ng Jerusalem. (Jer 21:1, 2) Hiniling din ni Pasur sa hari na ipapatay si Jeremias. (Jer 38:1, 4, 6) Si Pasur ay tinatawag sa dalawang bahaging ito bilang “anak ni Malkias.” Ang pamilya ng mga saserdote na bumalik mula sa pagkatapon sa Babilonya ay nagtataglay ng gayunding kawing sa kanilang talaangkanan, si “Pasur na anak ni Malkias.” (1Cr 9:12; Ne 11:12) Kung isa ngang saserdote ang prinsipeng si Pasur, maaaring siya nga ang pinagkunan ng “mga anak ni Pasur” (Blg. 4) ng kanilang pangalan.
3. Isang saserdote, “anak [o inapo] ni Imer, . . . nangungunang komisyonado sa bahay ni Jehova.” Nang tutulan ni Pasur ang mga hula ni Jeremias, sinaktan niya ito at inilagay ito sa mga pangawan at pinalaya ito nang sumunod na araw. Bilang resulta, sa pamamagitan ni Jeremias ay inihula ni Jehova ang pagkatapon at kamatayan ni Pasur sa Babilonya at, alinsunod dito, pinalitan niya ang pangalan nitong Pasur at ginawang “Pagkatakot sa buong palibot” (Heb., Ma·ghohrʹ mis·sa·vivʹ) (Jer 20:1-6), isang pananalitang lumilitaw nang ilang ulit sa aklat ni Jeremias.—Jer 6:25; 20:3, 10; 46:5; 49:29.
4. “Ang mga anak ni Pasur” ay isang sambahayan ng mga saserdote sa panig ng ama, na ang 1,247 sa kanila ay bumalik mula sa pagkatapon kasama ng saserdoteng si Jesua noong 537 B.C.E. (Ezr 2:1, 2, 36, 38; Ne 7:41) Anim sa kanila ang nag-asawa ng mga babaing banyaga ngunit pinaalis nila ang mga ito nang dumating si Ezra noong 468 B.C.E.—Ezr 10:22, 44; tingnan ang Blg. 2.
5. Isang saserdote o ang ninuno ng isang saserdote na noong panahon ni Gobernador Nehemias ay sumuporta sa tipan na huwag kumuha ng mga asawang banyaga.—Ne 9:38; 10:1, 3, 8.